18 Sa kalagitnaan nila'y itong Diyos, lumikha ng sunog,at ang masasamang kasamahan nila ay kanyang tinupok.
19 Sa may Bundok ng Sinai, doon ay naghugis niyong gintong guya,matapos mahugis ang ginawa nila'y kanilang sinamba.
20 Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha,sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa.
21 Kanilang nilimot ang Diyos na si Yahweh, ang Tagapagligtas,ang kanyang ginawa doon sa Egipto'y kagila-gilalas.
22 Sa lupaing iyon ang ginawa niya'y tunay na himala.Sa Dagat na Pula
23 Ang pasya ng Diyos sa ginawa nila'y lipulin pagdaka,agad na dumulog kay Yahweh si Moises, namagitan siya,at hindi natuloy iyong kapasyahan na lipulin sila.
24 Ang lupang-pangarap na ipinangako'y kusang tinanggihan,dahilan sa sila'y hindi naniwala sa pangakong tipan.