25 Sa loob ng tolda ay nagrereklamo at puro pa angal,at hindi nila pinakinggan tinig ni Yahweh, Diyos na banal.
26 Sa ginawang iyon, nagalit ang Diyos, siya ay sumumpangsila'y lilipulin, mamamatay sa gitna ng ilang.
27 Sila'y ikakalat, dadalhin sa bansa niyong mga Hentil,sa lugar na iyon, mamamatay sila sa pagkaalipin.
28 Sila'y nakiisang sa Baal ng Beor ay doon sumamba,ang mga pagkain na handog sa patay ang pagkain nila.
29 Sa inasal nila'y nagalit si Yahweh, naging pasya'y ito:Dinalhan ng peste, pawang nagkamatay ang maraming tao.
30 Sa galit ni Finehas taong nagkasala ay kanyang pinatay,kung kaya nahinto ang salot na iyon na nananalakay.
31 Magmula nga noon, at magpakailanman, di malilimutanang ginawang ito'y di na malilimot nitong kanyang bayan.