29 Sa inasal nila'y nagalit si Yahweh, naging pasya'y ito:Dinalhan ng peste, pawang nagkamatay ang maraming tao.
30 Sa galit ni Finehas taong nagkasala ay kanyang pinatay,kung kaya nahinto ang salot na iyon na nananalakay.
31 Magmula nga noon, at magpakailanman, di malilimutanang ginawang ito'y di na malilimot nitong kanyang bayan.
32 At itong si Yahweh, kanilang ginalit sa Bukal Meriba,nalagay sa gipit itong si Moises dahil sa kanila.
33 Sa ginawa nila ay lubhang nasaktan ang kanyang damdamin,dahas ng salitang nagmula sa bibig ay hindi napigil.
34 Di nila nilipol ang lahat ng taong naro'n sa Canaan,bagama't ito'y iniutos ni Yahweh na dapat gampanan.
35 Sa halip na sundin ang utos ng Diyos, bagkus nakisama,at maling gawain ng mga pagano ang sinunod nila.