3 At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan,na gawang matuwid ang adhika sa buo niyang buhay.
4 Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo'y iyong nagunita,sa pagliligtas mo, ang abâ mong lingkod isama mo sana;
5 upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang,kasama ng iyong bansang nagagalak, ako'y magdiriwang.
6 Nagkasala kami, tulad ng ginawa ng aming magulang,ang aming ginawa'y tunay na di tama, pawang kasamaan.
7 Ang magulang namin nang nasa Egipto, di nagpahalaga sa kahanga-hangang mga ginawa mong kanilang nakita;ni hindi pinansin ang iyong pag-ibig na walang kagaya,bagkus ang ginawa sa Dagat na Pula'y nilabanan ka pa.
8 Sa kabila nito, gaya ng pangako, sila'y iniligtas,upang ipadama na ang Panginoo'y dakila't malakas.
9 Nang siya'y mag-utos, ang Dagat na Pula ay natuyong bigla,sila'y itinawid na ang dinaanan ay tuyo nang lupa.