3 Sa gitna ng mga bansa kita'y pasasalamatan,Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng mga hirang.
4 Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.
5 Sa ibabaw ng mga langit ikaw ay itatanghal,at dito naman sa daigdig ang iyong kaluwalhatian.
6 Sa taglay mong kalakasan kami sana ay iligtas,upang kaming iyong lingkod ay hindi na mapahamak;dinggin mo ang dalangin ko kapag ako'y tumatawag.
7 Sinabi nga nitong Diyos mula sa tronong luklukan,“Hahatiin ko ang Shekem, bilang tanda ng tagumpay,paghahati-hatiin ko ang Sucot na kapatagan, matapos na gawin ito'y ibibigay sa hinirang.
8 Ang Gilead at Manases, dal'wang dakong ito'y akin,magsisilbing helmet ko itong lugar ng Efraim;samantalang itong Juda ay setrong dadakilain.
9 Ang Moab ay isang lugar na gagawin kong hugasan,samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan;doon naman sa Filistia, tagumpay ko'y isisigaw.”