1 Kay Yahweh ko isinalig ang aking kaligtasan,kaya't ang ganito'y huwag sabihin ninuman:“Lumipad kang tulad ng ibon patungo sa kabundukan,
2 sapagkat ang pana ng masasama ay laging nakaumang,upang tudlain ang taong matuwid mula sa kadiliman.
3 Ang mabuting tao'y mayroon bang magagawa,kapag ang mga pundasyon ng buhay ay nasira?”
4 Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo,doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono,at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao,walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.
5 Ang mabuti at masama ay kanyang sinusuri;sa taong suwail siya'y lubos na namumuhi.