4 Si Yahweh ay naroon sa kanyang banal na Templo,doon sa kalangitan, nakaupo sa kanyang trono,at buhat doo'y pinagmamasdan ang lahat ng tao,walang maitatagong anuman sa gawa ng mga ito.
5 Ang mabuti at masama ay kanyang sinusuri;sa taong suwail siya'y lubos na namumuhi.
6 Pinauulanan niya ng apoy at asupre ang masasamang tao;at sa mainit na hangin sila'y kanyang pinapaso.
7 Si Yahweh ay matuwid at sa gawang mabuti'y nalulugod;sa piling niya'y mabubuhay ang sa kanya'y sumusunod.