5 Ang mapagpautang nagiging mapalad,kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.
6 Hindi mabibigo ang taong matuwid,di malilimutan kahit isang saglit.
7 Masamang balita'y hindi nagigitla,matatag ang puso't kay Yahweh'y tiwala.
8 Wala siyang takot hindi nangangamba,alam na babagsak ang kaaway niya.
9 Nagbibigay sa mga nangangailangan,pagiging mat'wid niya'y walang hanggan,buong karangalang siya'y itataas.
10 Kung makita ito ng mga masama,lumalayas silang mabagsik ang mukha;pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala.