4 Siya'y naghahari sa lahat ng bansa,lampas pa sa langit ang pagkadakila.
5 Sino bang katulad ng Diyos na si Yahweh,na sa kalangitan doon nakaluklok?
6 Buhat sa itaas siya'y tumutunghay,ang lupa at langit kanyang minamasdan.
7 Mula kapanglawa'y itong mahihirap,kanyang itinataas, kanyang nililingap.
8 Sa mga prinsipe ay isinasama,sa mga prinsipe nitong bayan niya.
9 Ang babaing baog pinagpapala niya,binibigyang anak para lumigaya.Purihin si Yahweh!