1 Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan,hindi namin maaangkin, pagkat ito'y iyo lamang;walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.
2 Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa:“Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika.
3 Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin,at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
4 Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos,sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.
5 Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita,at hindi rin makakita, mga matang pinasadya;