2 Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa:“Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika.
3 Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin,at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
4 Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos,sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.
5 Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita,at hindi rin makakita, mga matang pinasadya;
6 di rin naman makarinig ang kanilang mga tainga,ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.
7 Totoo nga na may kamay ngunit walang pakiramdam,mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang,ni wala kang naririnig kahit munting tinig man lang.
8 Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala,lahat sila ay katulad ng gayong diyos na ginawa.