8 Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala,lahat sila ay katulad ng gayong diyos na ginawa.
9 Ikaw, bayan ng Israel, kay Yahweh lang magtiwala,siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.
10 Kayong mga pari, kay Yahweh ay magtiwala,siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.
11 Kay Yahweh ay magtiwala, kayong may takot sa kanya,siya ang inyong sanggalang, kung tumulong laging handa.
12 Ang Diyos ay magpapala, hindi tayo lilimutin,pagpapala'y matatamo nitong bayan ng Israel;pati mga pari'y may pagpapalang kakamtin.
13 Sa lahat ng mayro'ng takot kay Yahweh, lahat mapagpapala,kung magpala'y pantay-pantay, sa hamak man o dakila.
14 Sana kayo'y paramihin, kayo at ang inyong angkan,anak ninyo ay dumami, lumaki ang inyong bilang.