14 Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang,ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.
15 Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki,kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat.
16 O Yahweh, naririto akong inyong abang lingkod,katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos;yamang ako'y iniligtas, kinalinga at tinubos.
17 Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat,ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.
18-19 Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang,sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigayang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.Purihin si Yahweh!