100 Ang taglay kong karununga'y higit pa sa matatanda,pagkat ang iyong mga utos ay hindi ko sinisira.
101 Di ko gustong matutuhan ang ugaling masasama,ang hangad ko na masunod ay ang iyong sinalita.
102 Hindi ako nagpabaya sa utos mo at tuntunin,pagkat ikaw ang guro ko na nagturo ng aralin.
103 O kay tamis na namnamin ang utos mong ibinigay,matamis pa kaysa pulot lasa nitong tinataglay.
104 Sa bigay mong mga utos, natamo ko'y karunungan,kaya ako'y namumuhi sa ugaling mahahalay.(Nun)
105 Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay,sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.
106 Taimtim ang pangako kong ang utos mo ay susundin,tutupdin ko ang tuntuning iniaral mo sa akin.