108 Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin,yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin.
109 Ako'y laging nakahandang magbuwis ng aking buhay;pagkat di ko malilimot yaong iyong kautusan.
110 Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama,ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko sinisira.
111 Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan,sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.
112 Ang pasya ko sa sarili, sundin ko ang kautusan,susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay.(Samek)
113 Ako'y galit sa sinumang sa iyo ay hindi tapat,ang tunay kong iniibig ay ang iyong mga batas.
114 Ikaw lamang ang muog ko at matibay na sanggalang,ang pangako mo sa akin ay lubos kong aasahan.