126 Panahon na, O Yahweh, upang ikaw ay kumilos,nilalabag na ng tao ang bigay mong mga utos.
127 Mahal ko ang iyong utos nang higit pa kaysa ginto,kaysa gintong dinalisay, utos mo'y isinapuso.
128 Kaya iyang tuntunin mo ang siya kong sinusunod,pagkat ako'y namumuhi sa anumang gawang buktot.(Pe)
129 Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo;lahat aking iingata't susundin nang buong puso.
130 Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw,nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.
131 Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,na matamo yaong aking minimithing kautusan.
132 Ako'y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingapin,at sa mga taong tapat, itulad mo ang pagtingin.