16 Sa bigay mong kautusa'y lubos akong nalulugod,iingatan sa puso ko upang iyo'y di malimot.(Gimmel)
17 Itong iyong abang lingkod, O Yahweh, nawa'y pagpalain,upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin.
18 Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan,kabutihang idudulot sa akin ng iyong aral.
19 Ang buhay ko sa daigdig ay pansamantala lamang,kaya huwag mong ikukubli sa akin ang kautusan.
20 Ang puso ko'y nasasabik, at ang laging hinahangad,ang lahat ng tuntunin mo ay mabatid oras-oras.
21 Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan;at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban.
22 Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap,yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad.