170 Hayaan ang dalangin ko ay dumating sa iyo, O Diyos,sang-ayon sa pangako mo, iligtas ang iyong lingkod.
171 Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin,pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin.
172 Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit,sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid.
173 Humanda ka sa pagtulong, ito'y aking kailangan,sapagkat ang susundin ko'y ang utos mong ibinigay.
174 Nasasabik ako, Yahweh, sa pangakong pagliligtas,natamo ko sa utos mo, ang ligaya at ang galak.
175 Upang ako ay magpuri, ako'y bigyan mo ng buhay,matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral.
176 Para akong isang tupa na nawala at nawalay,hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan,pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.