44 Lagi akong tatalima sa bigay mong kautusan,susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay.
45 Ako nama'y mamumuhay nang payapa at malaya,yamang ako sa utos mo'y sumusunod namang kusa.
46 At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin,hindi ako mahihiya na ito ay aking gawin.
47 Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis,di masukat ang galak ko, pagkat aking iniibig.
48 Mahal ko ang iyong utos, ito'y aking ginagalang,sa aral mo at tuntunin ako'y magbubulay-bulay.(Zayin)
49 Ang pangako sa lingkod mo, sana'y iyong gunitain,pag-asa ang idinulot ng pangako mo sa akin.
50 Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw,pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.