60 Kaya ako'y nagdumali, upang hindi na mabalam,sa hangad kong masunod na ang bigay mong kautusan.
61 Mga taong masasama kahit ako ay gapusin,ang bigay mong mga utos ay di pa rin lilimutin.
62 Gumigising akong lagi pagsapit ng hatinggabi,sa matuwid mong paghatol lagi kitang pinupuri.
63 Tapat akong kaibigan ng sa iyo'y naglilingkod,mga taong buong pusong sa utos mo'y sumusunod.
64 Ang dakilang pag-ibig mo'y laganap sa daigdigan,ituro sa akin, Yahweh, ang banal mong kautusan.(Tet)
65 Tinupad mo, O Yahweh, ang pangakong binitiwan,kay buti ng ginawa mo sa lingkod mong minamahal.
66 Ako'y bigyan mo ng dunong at ng tunay na kaalaman,yamang ako'y nagtiwala sa utos mong ibinigay.