68 kay buti mo, O Yahweh! Kay ganda ng iyong loob;sa akin ay ituro mo ang bigay mong mga utos.
69 Ang gawain nitong hambog sadyang ako ay siraan,ngunit buong puso ko ring sinusunod ang iyong aral.
70 Ang ganoong mga tao'y sadyang kapos ng unawa,ngunit sa pagsunod sa utos mo, ako'y natutuwa.
71 Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot,pagkat aking naunawang mahalaga ang iyong utos.
72 Higit pa sa ginto't pilak nitong buong sanlibutan,ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan.(Yod)
73 Nilikha mo ako, O Yahweh, ako'y iyong iningatan;bigyan ako ng unawa upang batas mo'y malaman.
74 Ang sa iyo'y natatakot, kapag ako ay nakita,matutuwa sa lingkod mong sa iyo ay umaasa.