1 O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao,wala nang taong tapat at totoo.
2 Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa,nagkukunwari at nagdadayaan sila.
3 Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila,at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;
4 silang laging nagsasabi,“Kami'y magsasalita ng nais namin;at sa gusto nami'y walang makakapigil!”
5 “Darating na ako,” sabi ni Yahweh,“Upang saklolohan ang mga inaapi.Sa pinag-uusig na walang magkupkop,hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”