9 Nagpakita siya roon ng gawang kahanga-hanga,upang kanyang pagdusahin si Farao't kanyang bansa.
10 Marami rin naman siyang winasak na mga bansa,at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa.
11 Itong haring Amoreo na si Sihon ang pangalan,at ang haring ang ngala'y Og, isang haring taga-Bashan,at iba pang mga hari na pinuksa sa Canaan.
12 Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam,ibinigay sa Israel, bayang kanyang hinirang.
13 Ang pangalan mo, O Yahweh, ay magpakailanman,lahat ng nilikha, Yahweh, hindi ka malilimutan.
14 Ikaw nama'y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod,ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos.
15 Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto,kamay ng mga tao ang humugis at bumuo.