1 “Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili.Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa;walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala!
2 Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha'y kanyang sinisiyasat;tinitingnan kung may taong marunong pa,na sa kanya'y gumagalang at sumasamba.
3 Silang lahat ay naligaw ng landas,at naging masasama silang lahat;walang gumagawa sa kanila ng tama,wala ni isa man, wala nga, wala!
4 Ang tanong ni Yahweh: “Di ba nila alam,itong masasama, lahat na ba'y mangmang?Itong aking baya'y pinagnanakawanat akong si Yahweh ay ayaw dalanginan!”