12 Nawa ang ating mga kabataanlumaking matatag tulad ng halaman.Ang kadalagaha'y magandang disenyo,kahit saang sulok ng isang palasyo.
13 At nawa'y mapuno, mga kamalig natinng lahat ng uri ng mga pagkain;at ang mga tupa'y magpalaanakin,sampu-sampung libo, ito'y paramihin.
14 Mga kawan natin, sana'y dumami rinat huwag malagas ang kanilang supling;sa ating lansangan, sana'y mawala na ang mga panaghoy ng lungkot at dusa!
15 Mapalad ang bansang kanyang pinagpala.Mapalad ang bayang si Yahweh'y Diyos na dinadakila!