2 Pupurihin siya't aking aawitan;aking aawitan habang ako'y buháy.
3 Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak,kahit sa kaninong di makapagligtas;
4 kung sila'y mamatay, balik sa alabok,kahit anong plano nila'y natatapos.
5 Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos,
6 sa Diyos na lumikha niyong kalangitan,ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.Ang kanyang pangako ay maaasahan.
7 Panig sa naaapi, kung siya'y humatol,may pagkaing handa, sa nangagugutom.Pinalaya niya ang mga nabihag;
8 isinasauli, paningin ng bulag;lahat ng inapi ay itinataas,ang mga hinirang niya'y nililingap.