6 sa Diyos na lumikha niyong kalangitan,ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.Ang kanyang pangako ay maaasahan.
7 Panig sa naaapi, kung siya'y humatol,may pagkaing handa, sa nangagugutom.Pinalaya niya ang mga nabihag;
8 isinasauli, paningin ng bulag;lahat ng inapi ay itinataas,ang mga hinirang niya'y nililingap.
9 Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan;tumutulong siya sa balo't ulila,ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.
10 Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh!Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili!Purihin si Yahweh!