1 Purihin si Yahweh!O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit,purihin sa pagtitipon nitong mga tapat sa kanya.
2 Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;dahilan sa iyong hari, ikaw Zion ay matuwa.
3 Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.
4 Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang,sa mga mapagpakumbabá'y tagumpay ang ibibigay.
5 Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang,sa kanilang pagdiriwang ay magsaya't mag-awitan.
6 Papuri sa ating Diyos, ipahayag nang malakas,hawak-hawak ang espadang dobleng-talim at matalas,