1 Pakinggan mo, Yahweh, ang sigaw ng katarungan,dinggin mo ako sa aking kahilingan;dalangin ko sana'y iyong pakinggan, sapagkat labi ko nama'y hindi nanlilinlang.
2 Hahatol ka para sa aking panig,pagkat alam mo kung ano ang matuwid.
3 Kaibuturan ng puso ko ay iyong nababatid,kahit sa gabi'y ikaw sa aki'y nagmamasid.Siniyasat mo ako at napatunayang matuwid,walang kasamaan maging sa aking bibig.
4 Ang salita ko nga'y tapat, di tulad ng karamihan;tapat akong sumusunod sa utos mong ibinigay,ako ay umiiwas sa landas ng karahasan.
5 Lagi kong nilalakaran ang iyong daan,hindi ako lumihis doon kahit kailan.
6 Tumatawag ako sa iyo, O Diyos, sapagkat ako'y iyong sinasagot;kaya ngayo'y pakinggan mo ako at pansinin ang karaingan ko.