1 O Yahweh, ika'y aking minamahal,ikaw ang aking kalakasan!
2 Si Yahweh ang aking batong tanggulan,ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan,tagapag-ingat ko at aking sanggalang.
3 Kay Yahweh ako'y tumatawag,sa aking mga kaaway ako'y inililigtas.Karapat-dapat purihin si Yahweh!
4 Ginapos ako ng tali ng kamatayan;tinabunan ako ng alon ng kapahamakan.
5 Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan,nakaumang sa akin ang bitag ng libingan.
6 Kaya't si Yahweh ay aking tinawag;sa aking paghihirap, humingi ng habag.Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig,pinakinggan niya ang aking paghibik.