15 Dahil sa galit mo, O Yahweh,sa ilong mo galing ang bugso ng hangin;kaya't ang pusod ng dagat ay nalantad,mga pundasyon ng lupa ay nahayag.
16 Mula sa kalangitan, itong Panginoon,sa malalim na tubig, ako'y iniahon.
17 Iniligtas ako sa kapangyarihanng mga kaaway na di ko kayang labanan;
18 Sinalakay nila ako noong ako'y naguguluhan,ngunit si Yahweh ang sa aki'y nagsanggalang.
19 Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan,ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan!
20 Pinagpapala ako ni Yahweh pagkat ako'y matuwid,binabasbasan niya ako dahil kamay ko'y malinis.
21 Mga utos ni Yahweh ay aking sinunod,hindi ko tinalikuran ang aking Diyos.