21 Mga utos ni Yahweh ay aking sinunod,hindi ko tinalikuran ang aking Diyos.
22 Lahat ng utos niya ay aking tinupad,mga batas niya ay hindi ko nilabag.
23 Nalalaman niyang ako'y walang kasalanan,paggawa ng masama ay aking iniwasan.
24 Kaya naman ako'y ginagantimpalaan niya,sapagkat alam niyang ako'y totoong walang sala.
25 Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo,at napakabuti mo sa mabubuting tao.
26 Ikaw ay mabait sa taong matuwid,ngunit sa masama, ikaw ay malupit.
27 Ang mapagpakumbabá ay inililigtas mo,ngunit iyong ibinabagsak ang mga palalo.