1 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!
2 Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang,patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.
3 Wala silang tinig o salitang ginagamit,wala rin silang tunog na ating naririnig;
4 ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,
5 tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan,tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan.