2 Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang,patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.
3 Wala silang tinig o salitang ginagamit,wala rin silang tunog na ating naririnig;
4 ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,
5 tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan,tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan.
6 Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran,walang nakapagtatago sa init nitong taglay.
7 Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang,ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan,nagbibigay ng talino sa payak na isipan.
8 Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran,ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban.Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama,nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.