4 ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,
5 tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan,tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan.
6 Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran,walang nakapagtatago sa init nitong taglay.
7 Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang,ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan,nagbibigay ng talino sa payak na isipan.
8 Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran,ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban.Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama,nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.
9 Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay,magpapatuloy ito magpakailanman;ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan,patas at walang kinikilingan.
10 Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay,mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan.