3 Ang handog mo nawa ay kanyang tanggapin,at pahalagahan niya ang lahat nang iyong haing susunugin. (Selah)
4 Nawa'y ipagkaloob niya ang iyong hangarin,at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin.
5 Sa pagtatagumpay mo kami ay magbubunyi,magpupuri sa Diyos sa aming pagdiriwang.Ibigay nawa ni Yahweh ang lahat mong kahilingan.
6 Ngayon ko nalalaman na si Yahweh ang nagbigay, sa pinili niyang hari, ng kanyang tagumpay!Siya'y tinutugon niya mula sa kalangitan,mga dakilang tagumpay kanyang makakamtan.
7 Mayroong umaasa sa karwaheng pandigma,at mayroon ding sa kabayo nagtitiwala;ngunit sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos, nananalig kami at umaasang lubos.
8 Sila'y manghihina at tuluyang babagsak,ngunit tayo'y tatayo at mananatiling matatag.
9 O Yahweh, ang hari'y iyong pagtagumpayin;ang aming panawagan, ay iyong sagutin.