1 Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan;sino pa ba ang aking katatakutan?Si Yahweh ang muog ng aking buhay,sino pa ba ang aking kasisindakan?
2 Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama,sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga,mabubuwal lamang sila at mapapariwara.
3 Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot,hindi pa rin ako sa kanila matatakot;salakayin man ako ng mga kaaway,magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.
4 Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,iisa lamang talaga ang aking hangarin:ang tumira sa Templo niya habang buhay,upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan,at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
5 Itatago niya ako kapag may kaguluhan,sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan;sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.
6 Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway.Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay;aawitan ko si Yahweh at papupurihan.