3 Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot,hindi pa rin ako sa kanila matatakot;salakayin man ako ng mga kaaway,magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.
4 Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling,iisa lamang talaga ang aking hangarin:ang tumira sa Templo niya habang buhay,upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan,at doo'y humingi sa kanya ng patnubay.
5 Itatago niya ako kapag may kaguluhan,sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan;sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay.
6 Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway.Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay;aawitan ko si Yahweh at papupurihan.
7 Pakinggan mo ako Yahweh, sa aking panawagan,sagutin mo ako at iyong kahabagan.
8 Nang sabihin mo Yahweh, “Lumapit ka sa akin,”sagot ko'y, “Nariyan na ako at kita'y sasambahin.”
9 Huwag ka sanang magagalit sa akin;ang iyong lingkod, huwag mo sanang palayasin.Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan,huwag mo po akong iwan, at huwag pabayaan!