1 Tagapagtanggol kong Yahweh, ako'y nananawagan,sana'y iyong pakinggan itong aking karaingan.Kung katugunan ay hindi mo ibibigay,para na rin akong nasa daigdig ng mga patay.
2 Pakinggan mo sana ang paghingi ko ng saklolo,kapag itinataas ang kamay ko sa iyong banal na Templo.
3 Huwag mo akong ibilang sa mga masasama,na pawang kalikuan ang mga ginagawa;kung magsalita'y parang mga kaibigan,ngunit sa puso'y may pagkamuhing taglay.
4 Parusahan mo sila sa kanilang ginagawa,pagkat mga gawa nila'y pawang masasama.Parusa sa kanila'y iyong igawad,ibigay sa kanila ang hatol na dapat.
5 Mga gawa ni Yahweh ay di nila pinapansin,mabubuti niyang gawa'y ayaw intindihin;kaya't sila'y kanyang pupuksain,at hindi na muling pababangunin.
6 Si Yahweh ay dapat purihin!Dininig niya ang aking mga daing.