4 Parusahan mo sila sa kanilang ginagawa,pagkat mga gawa nila'y pawang masasama.Parusa sa kanila'y iyong igawad,ibigay sa kanila ang hatol na dapat.
5 Mga gawa ni Yahweh ay di nila pinapansin,mabubuti niyang gawa'y ayaw intindihin;kaya't sila'y kanyang pupuksain,at hindi na muling pababangunin.
6 Si Yahweh ay dapat purihin!Dininig niya ang aking mga daing.
7 Si Yahweh ang lakas ko at kalasag,tiwala ko'y sa kanya nakalagak.Tinutulungan niya ako at pinasasaya,sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.
8 Iniingatan ni Yahweh ang kanyang sambayanan;siya ang kanlungan ng kanyang haring hinirang.
9 Iligtas mo, Yahweh, ang iyong bayan,ang mga sa iyo, ay iyong basbasan.Alagaan mo sila magpakailanman,tulad ng pastol sa kanyang kawan.