3 Hinango mo ako mula sa libingan,at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay.
4 Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan,ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan,pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!
5 Ang kanyang galit, ito'y panandalian,ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan.Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak,pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.
6 Sinabi ko sa sarili pagkat ako'y panatag,“Kailanma'y hindi ako matitinag.”
7 Kay buti mo, Yahweh, ako'y iyong iningatan,tulad sa isang muog sa kabundukan.Ngunit natakot ako, nang ako'y iyong iwan.
8 Sa iyo, Yahweh, ako'y nanawagan,nagsumamo na ako ay tulungan:
9 “Anong halaga pa kung ako'y mamamatay?Anong pakinabang kung malibing sa hukay?Makakapagpuri ba ang mga walang buhay?Maipapahayag ba nila ang iyong katapatan?