10 Pinagod ako ng aking kalungkutan,dahil sa pagluha'y umikli ang aking buhay.Pinanghina ako ng mga suliranin,pati mga buto ko'y naaagnas na rin.
11 Nilalait ako ng aking mga kaaway,hinahamak ako ng mga kapitbahay;mga dating kakilala ako'y iniiwasan,kapag ako'y nakasalubong ay nagtatakbuhan.
12 Para akong patay na kanilang nakalimutan,parang sirang gamit na hindi na kailangan.
13 Maraming mga banta akong naririnig,mula sa mga kaaway sa aking paligid;may masama silang binabalak sa akin,plano nilang ako ay patayin.
14 Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala,ikaw ang aking Diyos na dakila!
15 Ikaw ang may hawak nitong aking buhay,iligtas mo ako sa taga-usig ko't mga kaaway.
16 Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,sa wagas mong pag-ibig ako ay sagipin.