13 Maraming mga banta akong naririnig,mula sa mga kaaway sa aking paligid;may masama silang binabalak sa akin,plano nilang ako ay patayin.
14 Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala,ikaw ang aking Diyos na dakila!
15 Ikaw ang may hawak nitong aking buhay,iligtas mo ako sa taga-usig ko't mga kaaway.
16 Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,sa wagas mong pag-ibig ako ay sagipin.
17 Sa iyo, Yahweh, ako'y nananawagan,huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan.Ang masasamang tao ang dapat na mapahiya,sa daigdig ng mga patay, tahimik silang bababâ.
18 Patahimikin mo ang mga sinungaling,ang mga palalong ang laging layunin,ang mga matuwid ay kanilang hamakin.
19 Kay sagana ng mabubuting bagay,na laan sa mga sa iyo'y gumagalang.Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob,matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos.