3 Ikaw ang aking kanlungan at sanggalang;ayon sa pangako mo, akayin ako't patnubayan.
4 Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong;laban sa panganib, sa iyo manganganlong.
5 Sa iyong kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking buhay.At sa aki'y ibibigay ang iyong kaligtasan;ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan.
6 Ikaw ay namumuhi sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosang walang halaga,ngunit sa iyo, Yahweh, ako umaasa.
7 Matutuwa ako at magagalak,dahil sa pag-ibig mong wagas.Paghihirap ko'y iyong nakikita,alam mo ang aking pagdurusa.
8 Di mo ako hinayaan sa kamay ng kaaway;binigyan pa ng laya sa aking paglalakbay.
9 O Yahweh, sana'y iyong kahabagan,sapagkat ako ay nasa kaguluhan;namamaga na ang mata dahil sa pagluha,buong pagkatao ko'y mahinang mahina!