4 Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong;laban sa panganib, sa iyo manganganlong.
5 Sa iyong kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking buhay.At sa aki'y ibibigay ang iyong kaligtasan;ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan.
6 Ikaw ay namumuhi sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosang walang halaga,ngunit sa iyo, Yahweh, ako umaasa.
7 Matutuwa ako at magagalak,dahil sa pag-ibig mong wagas.Paghihirap ko'y iyong nakikita,alam mo ang aking pagdurusa.
8 Di mo ako hinayaan sa kamay ng kaaway;binigyan pa ng laya sa aking paglalakbay.
9 O Yahweh, sana'y iyong kahabagan,sapagkat ako ay nasa kaguluhan;namamaga na ang mata dahil sa pagluha,buong pagkatao ko'y mahinang mahina!
10 Pinagod ako ng aking kalungkutan,dahil sa pagluha'y umikli ang aking buhay.Pinanghina ako ng mga suliranin,pati mga buto ko'y naaagnas na rin.