15 Ang isip nila'y sa kanya nagmulawalang nalilingid sa kanilang gawa.
16 Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay,ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal;
17 kabayong pandigma'y di na kailangan,upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay;di makakapagligtas, lakas nilang taglay.
18 Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwalasa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
19 Hindi hahayaang sila ay mamatay,kahit magtaggutom sila'y binubuhay.
20 Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa;tulong na malaki at sanggalang siya.
21 Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa;sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.