2 Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan,tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;
3 Isang bagong awit, awiting malakas,kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!
4 Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita,at maaasahan ang kanyang ginawa.
5 Ang nais niya ay kat'wira't katarungan,ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.
6 Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit,ang araw, ang buwa't talang maririkit;
7 sa iisang dako, tubig ay tinipon,at sa kalaliman ay doon kinulong.
8 Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa!Dapat katakutan ng buong nilikha!