6 Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit,ang araw, ang buwa't talang maririkit;
7 sa iisang dako, tubig ay tinipon,at sa kalaliman ay doon kinulong.
8 Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa!Dapat katakutan ng buong nilikha!
9 Ang buong daigdig, kanyang nilikha,sa kanyang salita, lumitaw na kusa.
10 Ang binabalangkas niyong mga bansa,kanyang nababago't winawalang-bisa.
11 Ngunit ang mga panukala ni Yahweh,hindi masisira, ito'y mananatili.
12 Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos;mapalad ang bayang kanyang ibinukod.