1 Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin;pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin.
2 Aking pupurihin kanyang mga gawa,kayong naaapi, makinig, matuwa!
3 Ang kadakilaan niya ay ihayag,at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!
4 Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos,inalis niya sa akin ang lahat kong takot.