10 Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain;ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.
11 Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan,at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang.
12 Sinong may gusto ng mahabang buhay;sinong may nais ng masaganang buhay?
13 Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.
14 Mabuti ang gawi't masama'y layuanpagsikapang kamtin ang kapayapaan.
15 Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon,sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.
16 Sa mga masasama, siya'y tumatalikod,at sa alaala, sila'y mawawala.